-- Advertisements --

Malapit nang makumpleto ang cassock na susuotin ng susunod na santo papa na tinatahi sa tatlong magkakaibang size.

Ito ay pangunahing ginagawa ng Mancinelli Clergy, ang iconic shop na pangunahing namamahala sa mga ecclesiastical tailoring sa Rome. Naatasang mamahala sa paggawa ng susuutin ng susunod na santo papa ay ang tanyag na tailor na si Raniero Mancinelli.

Si Mancinelli rin ang gumawa ng mga cassock nina John Paul II, Benedict XVI, Pope Francis, at ang susunod na santo papa ang pang-apat na sa kaniyang listahan.

Sa isang panayam kay Mancinelli, tiniyak niyang makukumpleto na ito sa pagsisimula ng conclave.

Kung mayroon aniyang mapipiling santo papa sa unang araw ng conclave, tiyak na mayroon nang nakahandang cassock na isusuot ng susunod na lider ng Simbahang Katolika.

Sa pagsisimula ng conclave, isang large, isang small, at isang medium para magkaroon ng sapat na option.

Ikinagalak din ni Mancinelli na siya ang maatasang manguna sa pagtahi sa mga cassok na unang sinusuot ng napipiling santo papa. Aniyam isang maalaking karangalan na mapagsilbihan ang tatlong nakalipas na santo papa, kasama na ang ika-apat o ang papalit sa namayapang si Pope Francis.