Labis ang ginagawang paghahanda ngayon ni Filipino boxer John Riel Casimero para sa nalalapit na laban nito kay IBF at WBA champion Naoya Inoue.

Huling lumaban si Casimero ng talunin si Zolani Tete noong Nobyembre 2019 para maging WBO World Bantamweight champion.

Ayon sa kaniyang conditioning coach Angel “Memo” Heredia, nararapat lamang na paghandaang mabuti ni Casimero ang nasabing laban dahi sa kakaibang boksingero si Inoue.

Itinakda sana ng laban ng dalawa noong Abril subalit dahil sa coronavirus pandemic ay kinansela ito ay wala pang bagong petsa.

May record si Casimero na 29 panalo, apat na talo at 20 knockouts habang si Inoue ay mayroong 19 panalo, walang talo na mayroong 16 KO.