carlo Yulo
-- Advertisements --

Desidido si Philippine Olympian Carlos Edriel Yulo na makamit ang back-to-back gold medal sa men’s floor exercise sa 50th World Artistic Gymnastics Championships na gaganapin sa Kitayushu, Japan.

Bago aniya ang nasabing torneo ay sasabak muna ito sa qualifying tournament nagaganapin ngayong araw at sa Miyerkules habang sa darating na Sabado ang individual performances.

Noong 2019 kasi ay nakuha ni Yulo ang gintong medalya sa men’s floor exercise sa World Championships na ginanap sa Stuttgart, Germany.

Nangibabaw din si Yuo sa 30th Southeast Asian Games na nakakuha ito ng dalawang ginto at limang silver medals.