-- Advertisements --

Handang-handa na muling sumabak sa kumpetisyon si Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo.

Matapos kasi ang 10 buwan na pamamahinga ay sasabak ito sa 12th Senior Men’s Artistic Gymnastics Asian Championships na gaganapin sa Jecheon, South Korea mula Hunyo 5 hanggang 8.

Kasama nito ang ilang gymnast ng bansa na sina Jhon Romeo Santillan, Justine Ace De Leon, Juancho Miguel Besana, at John Ivan Cruz.

Sa nagdaang Asian championships ay nagbulsa si Yulo ng apat na gintong medalya na ginanap sa Uzbekistan.

Nangibabaw ito sa all-around floor exercise, vault at parallel bars.

Magugunitang sa ginanap na Paris Olympics noong nakaraang taon ay nagkamit si Yulo ng dalawang gintong medalya.