Muling pinatunayan ni Carlos Yulo ang kanyang kagalingan sa floor exercise matapos masungkit ang kanyang ika-apat na sunod na gold medal sa Artistic Gymnastics Asian Championships noong Sabado, Hunyo 7.
Nakakuha si Yulo ng 14.600 points sa final upang talunin si Milad Karimi ng Kazakhstan na may 14.400 points habang si Moon Geonyoung ng South Korea ay nagtala ng 14.033 points para sa bronze.
Sa kabuuan, may tatlong medalya na si Yulo sa kumpetisyong, gintong medalya para sa floor exercise (Hunyo 7), bronze sa individual all-around (Hunyo 6), at bronze sa vault. Maalalang nagtapos din si Yulo ng ika-pitong pwesto sa rings.
Samantala, may dalawa pang apparatus finals na sasalihan si Yulo ito ang horizontal bar, kung saan siya ang huling nakapasok sa finals, at parallel bars, kung saan siya ay ikaapat sa qualifiers.