Pasok na sa finals ng men’s vault at floor exercise sa 53rd FIG Artistic Gymnastics World Championships si Carlos Yulo na ginanap sa Jakarkta, Indonesia.
Mayroong average score ito sa 14.750 points si Yulo sa Subdivision 7 ng vault event.
Aabot sa 476 na atleta ang sumali mula sa 76 na bansa.
Sa unang vault niya ay nagtala siy ang 14.90 points at sa pangalawang attempt ay mayroong 14.600 points na hinangaan ng mga manonood.
Pumangalawa sa puwesto si Arthur Davtyan ng Armenia na mayroong 14.566 habang nasa pangatlong puwesto si Nathan Chepurnyi ng Ukraine na mayroong 14.316.
Sa ibang event na floor exercise ay pumangalawa ito na mayroong 14.560 points kung saan nakuha ni Jake Jarman ang Filipino-British gymnast habang nasa pangatlong puwesto si Kameron Nelson.
Mayroong sapat na paghinga ngayon si Yulo bago ang pagsabak niya sa finals ng floor sa Biyernes habang sa araw ng Sabado naman ang finals ng vault event.