-- Advertisements --
image 60

Nasungkit ng Filipino Olympian at gymnast na si Carlos Yulo ang bronze medal sa parallel bars final ng 2022 World Gymnastics Championships sa Liverpool, England.

Ito ay matapos na makamit ni Yulo ang score na 15.366, 6.300 sa difficulty at 9.066 in execution.

Bukod dito ay una nang nasungkit din ng 22 anyos na gymnast ang kaniyang silver medal sa vault finals sa kaparehong patimpalak kung saan naman siya naka-score ng 14.950 na puntos.

Kung maalala, taong 2019 nakuha ni Yulo ang gold medal mula sa kompetisyon sa floor excercise at vault, habang noong nakaraang taon naman (2021) nagkaroon siya ng silver medal sa parallel bars, at taong 2018 naman siya nagkaroon ng unang bronze medal mula sa naturang kompetisyon.