Muling nakaharap ni Cardinal Pablo Virgilio David si Pope Leo XIV sa Vatican, matapos dumalo ang Filipino cardinal sa 5th World Meeting of Popular Movements.
Ang naturang aktibidad ay isang international summit na nagbubuklod sa mga delegado mula sa limang kontinente upang talakayin at pagnilayan ang usapin sa pabahay, lupa, at trabaho, tatlo sa mga ikinokonsidera ng yumaong si Pope Francis bilang pinakamahalaga para maprotektahan ang human dignity.
Kinabibilangan ito ng mga alagad ng simbahan, dignitaries, at mga regular na bisita na mula sa iba’t-ibang social order.
Nangyari ang muling pag-uusap nina Pope Leo at ni Cardinal David sa Paul VI Hall, kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga dumalo na personal na makausap ang bagong Santo Papa.
Ito ang nagsisilbing sentro ng naturang aktibidad – ang pagkakataong magkaroon ng pribadong sandali kasama ang Santo Papa.
Samantala, tiniyak ni Pope Leo ang pagpapatuloy ng pagsisilbi ng Simbakang Katolika sa mga mananampalataya, sa kabila ng mga hamong kinakaharap ng bawat isa.
















