-- Advertisements --
Nanawagan si Pope Leo XIV ng tuloy-tuloy na pag-uusap para makamit ang tama at pangmatagalang kapayapaan sa Ukraine.
Ito ang naging mensahe ng Santo Papa ng makaharap niya personal sa pagbisita ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Ang kaniyang komento ay kahalintulad ng palaging hiling ni Zelensky na dapat matiyak na ang anumang kasunduan para matapos ang giyera sa Ukraine ay balanse at hindi lamang pabor ito sa Russia.
Giit din ng Santo Papa na dapat ay magkaroon ng hakbang ang mga diplomatic para maisakatuparan ang kapayapaan.
Pinasalamatan naman ni Zelensky ang Santo Papa dahil sa patuloy na pagdarasal nito sa mga mamamayan ng Ukraine at para matapos na ang giyera.
















