-- Advertisements --

Isang mataas na komisyon ng Vatican ang bumoto laban sa posibilidad na payagan ang kababaihan na maging deacon sa Simbahang Katolika, batay sa isang ulat na isinumite kay Pope Leo XIV na inilabas nitong Huwebes, Disyembre 4, 2025.

Sa botong 7–1, sinabi ng komisyon na ang kasaysayan at teolohikal na pag-aaral ay hindi nagpapahintulot na maordinahan ang kababaihan bilang deacon sa ngayon, ngunit inirekomenda pa rin ang karagdagang pag-aaral.

Ito ang unang botohan na nilabas ng Vatican ang resulta ng dalawang komisyong binuo ng yumaong Pope Francis upang pag-aralan ang posibilidad ng women deacons.

Hindi gaya ng pari, ang mga deacon ay naordinahan ngunit hindi nagsasagawa ng Misa.

Bagama’t ipinagbawal ni Pope John Paul II ang kababaihan sa pagpapari noong 1994, hindi niya tahasang tinalakay ang isyu ng women deacons.

Itinuturo ng mga tagapagtaguyod na may ebidensiyang may kababaihang nagsilbing deacon noong unang siglo ng Simbahan, kabilang si Phoebe na binanggit ni St. Paul sa Bagong Tipan.