Nanawagan si Pope Leo XIV para sa mga pamilya ng biktima ng Beirut port explosion ng katarungan para sa kanyang tatlong-araw na pagbisita sa Lebanon.
Gayundin ang panalangin para sa mga ito kung saan 218 katao na namatay sa pagsabog noong Agosto 4, 2020.
Ayon pa sa Pontiff, siya ay lubos na nalulungkot sa kanyang pagbisita sa site kung saan naganap ang pagsabog at ipinahayag ang pagkakaisa ng
ng mga pamilya at ng buong bansa sa paghahangad ng katarungan.
Hanggang ngayon kasi ay wala pang napapanagot sa insidente, na dulot ng hindi tamang pag-iimbak ng 2,750 toneladang ammonium nitrate sa isang warehouse sa port.
Sa kanyang huling misa sa Beirut, pinaalalahanan din ng Santo Papa ang mga Lebanese na magkaisa upang malampasan ang mga krisis na bumalot sa bansa, kabilang ang kahirapan, pagkahiwa-hiwalay sa politika, at mga kaguluhan bunsod ng digmaan.
Pinuri niya naman ang Lebanon bilang isang halimbawa ng coexistence ng Islam at Kristiyanismo, at nanawagan siya para sa mas maraming diyalogo at respeto sa pagitan ng dalawang relihiyon.
















