Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga lider ng Lebanon na yakapin ang tenacity, dialogue, at renewed commitment sa common good sa kanyang talumpati sa Presidential Palace sa Baabda noong Linggo, bilang bahagi ng kanyang apostolic journey sa Turkey at Lebanon.
Binigyang-diin ng pontiff ang kahalagahan ng kapayapaan at pagsisikap sa kabila ng mga krisis na pinagdaanan ng bansa, kabilang ang political paralysis, economic collapse, at epekto ng 2023–2024 war.
Tinukoy niya ang Lebanon bilang “a community of communities, united by a common language: hope,” at pinuri ang tibay at determinasyon ng mamamayan nito.
Pinayuhan ng Santo Papa ang mga lider na manatiling malapit sa kanilang mamamayan, bigyang-diin ang papel ng kabataan at civil society, at iwasang gawing kompetisyon ang pamahalaan. Binigyang-diin niya rin ang kahalagahan ng reconciliation at dialogue upang mapawi ang mga hidwaan, at pinuri ang kontribusyon ng kababaihan sa proseso ng kapayapaan.
Sinabi pa ng Pope na ang kapayapaan ay hindi lamang isang human achievement kundi isang gift at work in progress, at ito ay nagtuturo sa mga tao na “harmonize our steps with those of others.”
















