BUTUAN CITY – Itinaas na ng Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa red alert status mula sa blue alert, bilang tugon sa patuloy na pag-ulan na dala ng Bagyong Tino.
Ayon kay Ronald Anthony Briol, tagapagsalita ng Office of the Civil Defense (OCD)-Caraga, fully activated na ang lahat ng tauhan mula sa iba’t ibang response agencies para sa full emergency response.
Batay sa pinakahuling ulat, umabot na sa halos 17,000 na mga indibidwal ang apektado ng masamang panahon.
Sa ngayon, nakabukas na ang mga evacuation centers sa Surigao del Norte at Dinagat Islands para sa mga inilikas na residente.
Umabot na rin sa 43 lungsod at munisipalidad sa buong rehiyon ang nagkansela ng klase ngayong araw, habang 28 naman ang nagsuspinde ng trabaho.
		
			
        















