ROXAS CITY – Nakikipag-unayan na ang Bombo Radyo sa pamilya ng Pinay domestic helper (DH) na sinasabing nagpakamatay sa Sabah-Al-Nasser sa Kuwait.

Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Roxas, ang hindi na pinangalanang biktima ay nag-suicide sa pamamagitan ng paglaslas ng pulso at pagtalon mula sa second floor ng isang gusali matapos nalaman na nagpositibo ito sa COVID (Coronavirus Disease).

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman kung mayroong foul play ang pagkamatay nito.

Maliban dito, may nakitang “suicide note” ang mga pulis kung saan nakasaad daw na i-cremate ang bangkay niya at iuwi sa Pilipinas.