Ikinokonsidera ng PPCRV na alisin na sa mga simbahan ang venue ng candidates forum, matapos magkainitan ang magkapatid na sina Makati Mayor Abby at dating Mayor Junjun Binay nitong weekend.

-- Advertisement --

Ayon sa PPCRV, gagamit na lang sila ng ibang venue para maiwasang madamay ang simbahan sa anumang personal na isyu ng mga kandidato.

Ayon kay PPCRV Executive Dir. Tony Villasor sa panayam ng Bombo Radyo, layunin lang naman nilang maipakilala ang mga kandidato bilang parte ng voters education na trabaho ng isang citizen’s arm.

Maliban dito, tungkulin din umano nilang umalalay sa pagbabantay para matiyak ang maayos na proseso ng halalan.