Nagreklamo ang ilang botante sa may polling precinct sa San Juan Elementary School matapos lumitaw ang dagdag na pangalan ng Senatorial candidate na hindi nila binoto matapos i-scan o ipasok ang kanilang balota sa vote counting machine.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo sa School coordinator ng PPCRV San Juan Integrated School na si Raul Reburiano, dalawang ganitong insidente ang naitala na nangyari kanina pasado alas-11 ng Umaga na halos 15 minuto lamang ang pagitan.
Aniya, kapwa regular voters mula sa barangay Ermitano at Balong-bato ang nakaranas ng parehong insidente na lumapit mismo sa kanila para ireklamo ang nangyari. Pinatawag naman ng technician ng Comelec na nakatalaga sa precinct para makita kung mayroong glitch subalit malinis naman aniya ang balota.
Bilang aksiyon, nagfile na ng incident report ang PPCRV sa Comelec para maaksyunan ang nangyari
Ikinakabahala din ng school coordinator na posibleng maantala ang pagbibilang ng boto dahil kasalukuyang naka-compile pa lamang ang nasa 300 o 400 na balota ng mga senior citizen at hindi pa nascan sa VCMs, aantayin pa aniya na mag-alas-5 para maproseso ang mga ito.
Paliwanag ng school coordinator ito daw ang napagusapan sa pagitan ng school board at Comelec.
Samantala, patuloy naman ang pag-asiste ng nakadeploy na personnel ng Philippine Red Cross sa mga botante.
Ayon Kay Jun Dela Cruz, volunteer service focal person ng PRC San Juan City branch, nakapagtala ang kanilang team ng 56 na BP monitoring kabilang ang Isang botante na nakaranas ng hypoglycemia dahil sa gutom at init na rin ng panahon Pero agad naman aniyang naagapan.
Magtatagal pa ang kanilang operasyon hanggang s amatapos ang botohan dakong alas-7 ng gabi hanggang sa final canvassing.