JUSTIN TRUDEAU
Justin Trudeau/ IG post

Tiyak na umano ang panalo sa reelection ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa ginaganap na general election ngayon sa Canada.

Sa projection ng mga political analyst, hinuhulaan nilang mananalo ang Liberal Party ni Trudeau.

Gayunman bilang minority, kinakailangan muli na makipag-alyansa ni Trudeau sa ilang mga political parties.

Sinasabing hindi gaanong umubra ang iskandalo na ibinato kay Trudeau noong nakaraang buwan at nag-sorry pa ito sa mamamayan ng Canada.

Ang mahigpit na karibal ni Trudeau na si Andrew Scheer ay kontrobersiyal din dahil sa nabulgar na taglay nitong dual Canadian at American citizenship.