Naging bayani si Calvin Abueva sa panalo ng Magnolia matapos na maipasok niya ang kanyang buzzer-beater may 2.6 seconds ang nalalabi upang masilat ang NorthPort, 90-89 sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University gym.

-- Advertisement --
magnolia northPort Abueva PBA

Nag-ugat ang panalo ng Magnolia nang ipasa sa kanya ang inbound pass ni Rome Dela Rosa, hanggang idiretso ito ni Abueva sa kabila ng mga humarang sa kanya sa ilalim ng goal.

Nakuha ng Magnolia ang nakakagulat na panalo mula sa kanilang come-from-behind win sa kabila ng 17-point deficit.

Ito na ang ika-pitong panalo ng Magnolia para lumapit pa na makuha ang second at final twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Ang NorthPort naman ay lumasap ng ikalawang sunod na talo para sa 4-5 kartada.

Nanguna sa panalo ng Magnolia si Ian Sangalang na may kabuuang 26 points, habang sumuporta naman si Abueva na nagtapos sa 15 puntos.