-- Advertisements --
Bumagal pa ang bagyong Caloy habang nasa West Philippine Sea (WPS).
Huli itong namataan sa layong 390 km sa kanluran ng Iba, Zambales.
Taglay ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa mabagal na pag-usad.
Samantala, apektado naman ng mga pag-ulang dala ng habagat ang Bataan, Zambales, Palawan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Aurora, Quezon, Metro Manila, Western Visayas at Zamboanga Peninsula.