Magdadala ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan ang northeast monsoon o hanging amihan sa bahagi ng Cagayan Valley ngayong araw.
Batay sa weather forecast mula sa Pagasa, posibleng magkaroon ng mga pagbaha o pagguho ng lupa dulot ng mga pag-ulan.
Maliban dito, apektado rin ng hanging amihan ang Ilocos Region at Cordillera Administratrive Region.
Makararanas ang naturang mga lugar ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan.
Habang ang Metro Manila ay nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Nagbabala rin ang weather bureau na maaaring magkaroon ng mga pagbaha o pagguho ng lupa kapag may nakataas na severe thunderstorm warning sa isang lugar.