Reading Time: 1 minute
Karlo Nograles
Karlo Nograles

ILOILO CITY – Tiniyak ni Cabinet Secretary Carlo Nograles na matutuloy ang pagpapatayo ng Iloilo-Guimaras bridge.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Nograles, sinabi nito na magiging prayoridad ng Duterte administration ang nasabing proyekto.

Ayon kay Nograles, nagpapatuloy ang feasibility study upang mapadali ang pagproseso ng nasabing proyekto.

Pagkatapos ng feasibility study, ipapasa naman sa National Economic and Development Authority ang detalyadong engineering report at disenyo para sa approval.

Kasabay nito, inihayag ni Nograles na seryoso ang Duterte administration sa pagpapatupad ng nationwide clearing operations.

Ayon kay Nograles, magiging patas ang Department of Interior and Local Government sa pagpapatupad ng nasabing deriktiba ni Presidente Rodrigo Duterte na may layunin na ibalik sa mga motorista ang daan.

Dagdag pa ng cabinet secretary, na sa loob ng 60 araw, kailangan na mayroong substantial result ang bawat Local Government Unit.