Reading Time: 1 minute
Laguna plane crash
Calamba plane crash/ PDRRMO image

Ilalabas sa mga susunod na araw ang partial investigation ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa pagbagsak ng King Air 350 light aircraft sa Laguna nitong Linggo.

Sinabi ni CAAP spokesman Eric Apolinario, na kumakalap pa sila ng karagdagang impormasyon at ebedensya para makatulong sa imbestigasyon.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa PAGASA para malaman ang tunay na kalagayan ng panahon noong araw kung saan bumagsak ang eroplano na nagdulot ng pagkamatay ng siyam na katao.

Pinag-aaralan na rin nila ang mga nakuhang flight recording ng bumagsak na eroplano.

Aminado din ang CAAP na matatagalan pa bago ilabas ang buong imbestigasyon ng insidente.