-- Advertisements --

Muling inihain ni AKO BICOL Partylist Representative Alfredo Garbin Jr. ang panukalang amiyenda sa 1987 Constitution.

Batay sa Resolution of Both Houses Number 1, isusulong ang Charter Change partikular sa Articles XII, XIV at XVI na layong baguhin ang foreign equity participation sa ilang industriya.

Kabilang na rito ang natural resources, advertising, media at mga paaralan.

Bukod sa pagluluwag ng restrictive economic provisions, nais ding isama ni Garbin sa Cha-Cha ang Article I ng Saligang Batas na tumutukoy sa “National Territory”.

Sa nasabing panukala igigiit ang exclusive economic zone ng Pilipinas alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Ipinunto ni Garbin na noong 18th at 19th Congress ay lumusot na ang economic Cha-Cha sa Kamara ngunit pagdating sa Senado ay inuupuan lamang.

Kumpyansa ang kongresista na sa pagkakataaong ito ay lulusot na ang Cha-Cha dahil wala naman marahil aniyang tututol sa pagpapatibay ng arbitral ruling sa West Philippine Sea.

Pagtitiyak pa nito, hindi kasama sa RBH 1 ang political amendments tulad ng term extension.