Reading Time: 1 minute

BUTUAN CITY – Nagpapatuloy ang isinagawang clearing operations ng mga tauhan ng Butuan City Police Station 5 matapos ang ginawang pagpapaputok ng armadong grupo dakong alas-10:15 nitong Lunes ng gabi sanhi ng ilang minutong palitan ng mga putok.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PLt. Rannel Cayas, officer-in-charge ng nasabing police station, nagmula ang mangilan-ngilang putok ng armas malapit sa tulay sa ibabang bahagi ng police station at nang magkapalitan na ng mga putok ay tumakas na sa di malamang direksyon ang di pa malamang bilang ng armadong indibidwal,

Inalam pa nila kung mga rebeldeng New People’s Army (NPA) o mga lawless elements ang may gawa nito.

Wala namang sugatan sa panig ng pulisya habang inalam pa kung may casualty ba sa panig ng mga nangha-harass.