BUTUAN CITY – May kapalit ng bagong presidente at besi-presidente ang Sangguniang Panlungsod (SK) Federation nitong lungsod ng Butuan matapos ang isinagawang SK Special Pederasyon Election sa pangunguna ng City Interior and Local Government.

Sa botohang isinagawa ng 84 mula sa 86 mga SK chairmen sa mga rural at urban barangays nitong lungsod, nahalal si Cynth Zephanee ‘Panpan’ Nietes – ang SK chairman ng Brgy, Libertad bilang SK Federation president habang vice president naman ang SK chairman ng Brgy. JP Rizal na si Judeben Duro.

Dahil sa kanyang pagkapanalo ay nagpapasalamat si Nietes na marami pa rin ang nagtiwala sa kanya sa kabila ng kanyang pag-resign bilang vice-president nitong nakaraang taon.

Nangako siyang aadaptahin ang consultative process para sa lahat ng mga plano na dadalhin nila dili sa konseho nitong lungsod pati na sa regional ug national levels.