CEBU CITY – Suwerteng walang nasawi sa pagkahulog ng isang bus sa may bangin sa isang tabing-dagat ng Barangay Panalipan sa Catmon, Cebu, kaninang alas-8:00 ng umaga.

Basi sa imbestigasyon, binaybay ng Ceres bus ang nasabing lugar galing sa bayan ng Tabogon sa may hilagang bahagi ng Cebu Province nang bigla nalang umanong nawalan ng kontrol sa manibela ang driver.

Ayon sa isang saksi, mabilis umano ang takbo ng bus hanngang sa nagpagewang-gewang na ito, sumalpok sa gutter at nahulog sa bangin.

Nadaganan at natabunan din daw ng bus ang isang pump boat.

Bagama’t wala namang naiulat na lubhang nasaktan o namatay sa aksidente, magsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga otoridad.

Sa ngayon ay pinaniniwalaang nakatulog ang driver ng bus.

Nabatid na agad ding dinala ang mga pasahero sa pinakamalapitan na pagamutan.