-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nanatili pa sa ospital ang 15 mga pasahero sa bus dahil sa natamong mga minor injuries matapos itong nahulog sa bangin kaninang alas 12:30 ng tanghali sa may Purok-3, Barangay De oro, Butuan City.

Ayon kay Police Captain Rodel Dorado, Hepe ng Butuan City Police Station-4, nawalan umano ng control sa manubela ang drayber sa Davao Metro Shuttle na galing pa sa La Paz, Agusan Del Sur at patungo sana nitong lungsod sa Butuan na may sakay na 30 na mga pasahero na humantong sa pagkahulog sa bangin na may 15 metro ang lalim.

Daling nadala ang mga sakay sa nasabing bus sa ospital kung saan 15 ng mga ito ay kaagad namang nakalabas sa ospital.

Habang ang drayber dumating sa police station upang sumuko matapos tumakas ng mangyari ang aksidente.

Ayon pa sa Hepe, gustong magsurender ang nasabing drayber ngunit naligaw dahilang dumiretso nalang ito sa kompanya bago sumuko sa pulisya.

Sa pagkuha nitong balita, wala pa nakuha sa bangin ang sasakyan habang wala pang natanggap na pangako ang otoridad galing sa kompanya na sumagot sa bayarin ng mga na-ospital.