Posibleng isagawa sa Los Angeles Coliseum ang public memorial ng NBA legend na si Kobe Bryant dahil mas malaki ito kumpara sa Staples Center.

Ayon sa kampo ng Los Angeles Lakers star na posibleng isagawa ang nasabing public viewing ng ilang linggo.

May kakayahan ang Staples Center na humawak ng 20,000 katao habang ang coliseum ay may kakayahang humawak ng 80,000 na katao.

Inaasahan na rin nila ang pagdagsa ng mga fans ni pumanaw na NBA legend.