-- Advertisements --

Kapwa nagtala ng mga pagyanig ang dalawang bulkan sa bansa nitong Semana Santa.

Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagkaroon ng 13 volcanic earthquakes ang Mt. Bulusan na nasa lalawigan ng Sorsogon sa Bicol Region.

Mayroon itong mahinang release ng Sulfur Dioxide at bahagyang ground deformation.

Habang ang Kanlaon volcano na nasa Negros ay nagkaroon ng 14 na volcanic earthquakes.

Nakapagrehistro din ito ng 1,418 tonelada ng inilabas na sulfur dioxide, at nananatili ang ground deformation.

Ang ibang mga bulkan naman ay nananatiling tahimik hanggang sa may minimal na aktibidad lamang sa mga nakalipas na araw.