KALIBO, Aklan – Unti-unti na umanong bumabalik sa normal ang takbo ng buhay ng ilang mga residente sa Daegu City, South Korea.
Ito ay matapos magawan ng paraan ng kanilang gobyerno ang pagkontrol sa pagtaas ng kaso ng Coronavirus disease 2019 o COVID-19.
Ayon kay Bombo International Correspondent Norma Bonifacio-Macquait, malaki ang naitulong ng maagang pagpapatupad ng lockdown sa nasabing lungsod kung saan bawat isa ay sumailalim sa self-quarantine.
Aniya, ito rin ang naging sandata nila para mabawasan ang kaso ng COVID -19 sa buong South Korea.
Kung maaalala, naging pangalawa pa ang Timog Korea noon sa may pinakamataas na kaso ng nakakamatay na virus.
Dagdag pa nito, ang dating “ghost town” ay muling nabubuhay ngunit hindi pa bukas ang lahat ng establishment, negosyo at mga lugar na dinarayo ng maraming tao.