-- Advertisements --
Gerald Bantag

Kinumpirma mismo ni BuCor Director Gerald Bantag na nagpositibo ito sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Base na rin daw ito sa swab test result mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Natanggap raw niya ang resulta ng kanyang swab test kahapon.

Maging ang driver at close-in security ni Bantag mula sa police Special Action Force (SAF) ay positibo rin savirus.

Noong Setyembre 18 raw nang makaramdam ng sintomas ng virus si Bantag.

“Apat na kaming positive. Tatlo tinrangkaso, tapos 1 driver ko unang nagpositive, tapos 1 security ko, tapos si (Asec) Gabby, tapos ako na. Mga close-in ko na drivers at security ko nagka trangkaso pala sila. Hindi nila dineclare sa akin o sa health (service) namin,” ani Bantag.

Maalalang noong Sabado ay kinumpirma ni BuCor spokesperson Asec. Gabriel Chaclag na positibo rin ito sa COVID-19.