Planong magsagawa ng misa at kilos-protestang ng iba’t ibang mga grupo, kilusan at samahan kontra sa isyu ng korapsyon sa bansa.
Kung saan hinimok ng koalisyon Tindig Pilipinas ang publiko na makiisa rito upang ipakita ang pagkakaisang pagtutol sa kontrobersiyal na flood control projects.
Ayon sa naturang grupo, nakatakdang isagawa ito sa darating na ika-12 ng Setyembre, araw ng Biyernes sa oras na alas-nueve ng umaga.
Planong ganapin at ipagdiwang ang ‘banal na misa’ sa Epifanio de los Santos Avenue Shrine o National Shrine of Mary, Queen of Peace sa Quezon City.
Inaasahan kaisa ng koalisyon maging ang ilang grupo binubuo ng mga kabataan, estudyante, samahang SIKLAB o Simbahan at Komunidad Laban sa Katiwalian at kasama pang iba.
Layon anila rito ang pagpapakita rin ng pagtutol sa pagnanakaw sa pera ng taumbayan na dapat sana’y makatutulong na maibsan ang problema sa baha.