Tatalima ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippine (CBCP) sa naging kautusan ng gobyerno na pagbabawal ng pagdaraos ng misa sa Semana Santa.
Sinabi ni Father Jerome Secillano, CBCP executive secretary, na na kahit na anong kagustuhan nilang magsagawa ng misa kahit sa limitadong tao ay kailangan pa rin nilang tumalima sa utos ng gobyerno na pagbabawal sa pagsasagawa ng misa.
Lahat aniya ng simbahan sa NCR at sa mga probinsiya na kasama sa bubble ay hindi magdaraos ng nasabing misa.
Nauna rito nagdesisyon ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na pagbawalan ang misa sa mga simbahan na nasa NCR-plus para maiwasan ang pagdami ng mga nahahawaan.
Nanawagan na lamang si Secillano sa mga mananampalataya na makibahagi na lamang sa mga online masses lalo ngayong lenten season.