Elizabeth and Prince Philip
-- Advertisements --

Naglabas na ng reaksyon ang Buckingham Palace sa naging pagbubunyag nina Duke at Duchess of Sussex.

Ayon sa Buckingham Palace na nakakabahala ang mga naging rebelasyon ni Meghan Markle kaya kanila itong pag-uusapan sa pribadong pamamaraan.

Tiniyak nila na kanilang pagtutuunan ng pansin ang nasabing mga alegasyon.

Ang nasabing reaksyon ng Buckingham Palace ay inilabas matapos ang isang araw ng ibunyag ni Meghan ang pagiging racist ng Palasyo dahil umano sa ibang kulay ng anak nila ni Prince Harry.

Ang nasabing panayam ni Oprah Winfrey sa mag-asawa ay napanood ng halos 12 milyong mga katao .

-- Advertisement --