Nahigitan na ng Korean pop group na BTS si Justin Bieber sa longest-running artist sa Billboard’s Social 50 chart.

Umabot na kasi sa 164th week ang pananatili ng BTS sa Billboard Social 50 chart kumpara sa 163 ng Canadian singer.

Ayon sa Billboard, ibinabase nila sa kasikatan ng grupo sa mga social media, Youtube at sa Wikipedia.

Kabilang din dito ang pagdami ng mga followers at ang bilang mga nag-view sa kani-kanilang page.

Unang nakapasok sa chart ang KPOP group nooong Oktubre 2016 at nanatili sa top listing mula pa noong Hulyo 2017.

-- Advertisement --