BTS
-- Advertisements --

Nagtala na naman ng bagong record ang Korean group na BTS.

Ito ay matapos na ang kanta nilang “Dynamite” ay nananatili sa number 1 sa loob ng magkakasunod na 18 linggo.

Ayon sa Billboard na ang nagsimulang maging mag-numero uno ang kanta noong Setyembre 1, 2020.

Nagkaroon na rin ito ng mahigit 1.5 milyon downloads ng ilabas ang kanta noong Agosto.

Naungusan din ng kanta ang “Despacito” ni Luis Fonsi at Daddy Yankee na nananatili sa number 1 spot sa loob ng 17 linggo.

-- Advertisement --

Magugunitang noong Marso ay iginawad ng Guinness World Record sa grupo ang “most simultaneous viewers for a music video sa YouTube Premiers”.