-- Advertisements --

Kasama na ang Korean pop group na BTS sa Hall of Fame list ng Guinness World Records sa taong 2022.

Umabot na kasi sa 23 Guinness world record titles ang nakuha ng grupo sa kasalukuyan.

Isang record na kanilang nakuha ay ang most viewed YouTube video sa loob ng 24 oras sa kanilang kantang “Butter”.

Parehas din na record ang kanilang nakuha sa mga kanta nila gaya ng “Dynamite”, “Boy with Luv” at “Idol”.

Sa loob din ng 31 minuto ay mayroong agad na 1 milyong followers din ang grupo sa TikTok.

-- Advertisement --