South Korean boy group BTS released yesterday their second teaser for their new song ‘Boy With Luv’ together with Halsey.

Kinumpirma ng sikat na South Korean boy group na BTS ang collaboration nila sa English singer-songwriter na si Ed Sheeran,

Isa umano sa kanilang bagong kanta na pinamagatang “Make It Right” ay kolaborasyon kasama si Sheeran.

Kung magugunita, noong 2018 ay sinabi ni Sheeran sa isang interview na sumusulat ito ng kanta para sa nasabing grupo.

Inanunsyo rin ng BTS ang mga detalye para sa kanilang bagong album na “Map of the Soul: Persona” kung saan inilarawan nila na ito ay hango sa pinagdaanan ng grupo pati na rin ang mas lumalim pa nilang pag-intindi sa pag-ibig at mundo na kanilang ginagalawan.

Inaasahan naman na ilalabas ang album ng BTS at music video ng kanilang title track na “Boy With Luv” kasama ang American singer-songwriter na si Halsey sa April 12, araw ng Biyernes.

-- Advertisement --

Ito ay magsisilbing comeback ng BTS matapos ilabas ang “Love Yourself: Answer” at ang title track nito na “IDOL” noong August 2018.

Inaabangan na rin ang debut appearance ng grupo sa sikat na American television show na “Saturday Night Live” sa Sabado, April 13.

Ang BTS o Bangtan Sonyeondan ay binubuo nila RM, JIn, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook.