-- Advertisements --
Pansamantalang sususpendihin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang operasyon ng kanilang coin deposit machines sa Greater Manila Area.
Ayon sa BSP na magsisimula ang pagsuspendi ng mga coin machines sa darating na Hunyo 17.
Layon nito ay para pag-aralan kung paano magre-circulate ng mga idle o hindi nagagalaw ng mga barya.
Matapos ang pag-aaral ay kanilang muling ilulunsad ang nasabing coin deposit machine para magkaroon ng improvement ng kanilang coin recirculation program.
Mula kasi ng ilunsad nila ang coin deposit machine noong Hunyo 2023 ay nakapagproseso sila ng mahigit P1.5 bilyon na halaga ng barya.