westbrook rockets Nets

Hindi umumbra ang tambalang MVP nina James Harden at Russell Westbrook ng Houston Rockets nang idispatsa sila ng Brooklyn Nets, 123-116.

Matinding depensa ang inilatag ng Nets sa NBA’s leading scorer noong nakaraang season na si Harden.

Bagamat nagtala ng 36 points si Harden, dalawang three points lamang ang kanyang nagawa mula sa 16 na pagtatangka.

Nasayang din ang diskarte ni Westbrook na merong 27 points para sa kanilang 3-2 win loss record.

Naging swerte rin ang Brooklyn dahil sa balanseng opensa ng mga players.

Si Taurean Prince ay nagpakitang gilas sa 27 points at 12 rebounds, Caris LeVert na umiskor ng 25, Garrett Temple nagbuslo ng 16 at si Joe Harris ay umalagwa sa 15.

Samantala dadayuhin ng Rockets ang Miami Heat sa Lunes.

Ang Nets naman ay makikipagtuos sa Detroit.