STEVEN DICK
STEVEN DICK/ TWITTER IMAGE

Patay ang senior British diplomat na nakatalaga sa Hungary matapos madapuan ng coronavirus.

Ang 37-anyos na si Steven Dick ay nakatalaga bilang Deputy Head of Mission for British embassy sa Budapest.

Sinabi ni United Kingdom Foreign Secretary Dominic Raab, na labis ang kanilang kalungkutan matapos na marinig ang balita.

Pumasok sa Foreign office si Dick noong 2008 kung saan nagtrabaho din ito sa British embassies sa Riyad at Kabul.