-- Advertisements --

Confidential ang mga detalye sa ginanap na midyear command conference sa Camp Aguinaldo kaninang umaga na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Palace Press Officer USec., Claire Castro hindi nito maibigay sa media ang mga detalye sa ginanap na pulong na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan at maging ng mga top military officials  dahil sa security issues.

Hindi naman masabi ni Usec. Castro na ang nasabing pulong ng Pangulo sa AFP ay para kumuha ng impormasyon kaugnay sa mga accomplishments ng hukbo na maaring maging bahagi sa ika- apat na State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa darating na July 28,2025.

Ayon sa Palace Official abangan nalang ang SONA ng Pangulo. 

Sa nagdaang command conference ng Pangulo sa Sandatahang lakas ng Pilipinas kaniyang binigyang-diin na ayusin o baguhin ng militar ang kanilang istratehiya sa pagtugon sa mga banta na kinakaharap ng ating bansa gaya ng communist terrorist, local terrorist, isyu sa West Phil. sea at mga natural disasters.