-- Advertisements --
Plano ng British government na pababaan ang edad ng mga botante sa kanilang bansa.
Sa ipinapanukala ay papayagan ang mga nasa edad 16 at 17 na mabigyan ng karapatan na bumuto sa lahat ng halalan sa United Kingdom.
Sinabi ni Deputy Prime Minister Angela Rayner na ang pangunahing overhaul ng democratic system ay ipapatupad ito sa buong UK , Scotland at Wales.
Isa sa rason nito ay ang mababang turnout ng 2024 general elections kung saan mayroong 59.7 percent lamang na ito na ang pinakamababa mula pa noong 2001.
Ipapaubaya na lamang nila sa British parliament kung kanilang aaprubahan ang nasabing panukala.