-- Advertisements --

Ibinunyag ni British Prime Minister Boris Johnson na mayroon na itong anim na anak.

Isinagawa nito ang pag-amin ng kapanayamin siya habang dumadalo sa United National General Assembly sa New York City.

Ginagamit kasi noong ng kaniyang kalaban sa pulitika ang nasabing pagkakaroon niya ng mga anak.

Sinabi nito na mayroon itong apat na anak sa dating asawang si Marina Wheeler, isang anak na babae mula sa kaniyang nakarelasyon at isang anak na lalaki mula sa kasalukuyan niyang asawa na si Carrie Johnson na kaniyang ikinasal ngayong taon.

Noong Agosto ay inanunsiyo ng asawa ni Johnson na buntis ito matapos na makunan noong nakaraang mga buwan.

-- Advertisement --

Ang anak nilang si Wilfred ay isinilang noong Abril 2020 matapos na ma-ospital ang Prime Minister ng dapuan ng COVID-19.