-- Advertisements --

Nabili sa halagang $10-milyon o mahigit kalahating bilyong piso ang kauna-unaang Birkin bag na gawa ng Hermès.

Ayon sa Sothebys auction House na ang nasabing bag ay desenyo mula sa British actress at singer na si Jane Birkin.

Ginamit ng actress ang nasabing bag halos araw-araw mula noong 1985 hanggang 1994.

Sinabi ni Morgane Halimi, Sotheby’s global head of handbags and accessories, na isang makasaysayan ang ginawang pagbili ng nasabing bag.

Nahigitan nito ang naibenta rin ng auction house na white diamond studded “Diamond Himalayan Birkin” na nagkakahalaga ng mahigit $450,000 noong 2022.