-- Advertisements --
Pinagbawalan ng makatugtog sa Singapore ang British trip-hop band na Massive Attack.
Kasunod ito sa pagdadala ng dalawang miyembro ng watawat ng Palestine sa kanilang concert.
Dalawang miyembro nila ang may bitbit na bandila ng Palestine sa konsyerto nila noong nakaraang linggo.
Dahil sa pangyayari ay hindi na sila papayagan na makapasok pa muli sa Singapore.
May mahigpit kasi na batas kasi ang Singapore sa public speech, pagtitipon ganun din ang lantarang paghawak ng bandila ng ibang bansa sa publiko, pagpapakita ng national emblems o banners ng walang anumang permit.
















