Nagtala ng rcord sa pag-akyat ng Mount Everest ang apat na dating miyembro ng British special forces.
Nagaw nila ang nasabing pag-akyat ng halos limang araw ng binalewala lamang ang matinding lamig ng bundok.
Bilang bahagi ng high-speed expedition ay gumamit sila ng xenon gas.
Ginamit nila ang xenon gas para tulungan sila sa mababang oxygen na makukuha kapag sila ay nasa mataas na bahagi na ng bundok.
Kadalasan kasi na aabot ng anim hanggang walong linggo ang mga climbers bago maabot ang tuktok ng Mount Everest.
Hawak pa rin ni Lhakpa Gelu Sherpa ang record na may pinakamabilis na umakyat sa Mount Everest kung saan kinuha niya ito ng 10 oras at 56 minuto noong 2003.
Sinabi ni expedition organiser Lukas Furtenbach na nagsanay ang mga British climbers ilang araw bago ang kanilang pag-akyat.
Suminghot umano ang mga climbers ng xenon gas sa isang clinic sa Germany dalawang linggo bago ang kanilang pag-akyat.
Makakatulong umano ang nasabing paraan para maprotektahan ang katawan mula sa anumang sakit na dulot ng pag-akyat sa mataas na lugar.
Ang xenon din ay nakakatulong sa pagdami ng mga protein sa katawan na tinatawag na erythropoietin na siyang lumalaban ng hypoxia ang kondisyon na nangyayari kapag ang katawan ng tao ay kulang sa oxygen.