-- Advertisements --

Labis na ipinagmamalaki ni retired British soccer star David Beckham na ma-knighted ni King Charles III.

Tinanggapng dating England soccer captain ang knighthood para sa kaniyang serbisyo sa sports at charity.

Isinagawa ang seremonya sa Windsor Castle kung saan kasama nitong nakatanggap ng knighthood sina Japanese-British author at screenwriter Kazuo Ishiguro at West End Broadway star Elaine Paige.

Kasama ni Beckham na tumanggap ng knighthood ang asawang si Victoria na siyang gumawa ng suit na suot ng football star.

Ang pagkilala ay matapos ang mahigit na dalawang dekada ng irepresenta ng 50-anyos na si Beckham ang England sa 115 international games at nagwagi ng league titles sa apat na iba’t-ibang bansa.

Una rin siyang itinalagang officer ng Order of British Empire (OBE) ni Queen Elizabeth II.

Nagretiro si Beckham sa professional soccer noong 2013 at siya rin ang UNICEF goodwill ambassador.