Ipinagtanggol ni British health secretary Matta Hancock ang pagpapatupad nila ng bagong restriction sa northern England.

Sinabi nito na mahalaga ang paghihigpit ng social life para tuluyang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Sa bagong restriction na ipinapatupad sa Greater Manchester, England ay pagbabawalan ang mga residente na dumayo sa mga bahay.

Kabilang din ang kautusan sa ibang lugar gaya sa Lancashire at West Yorkshire.

Hakbang ito aniya ng gobyerno para mapigilan ang ikalawang wave ng coronavirus.