-- Advertisements --

Pinayagan ng korte sa London na makapagpiyansa ang US singer na si Chris Brown.

Nahaharap kasi sa reklamong serious assault ang singer matapos na batuhin ng bote ng alak ang music producer na si Abraham Diaw sa isang club sa London noon pang 2023.

Dumalo sa pagdinig ang 36-anyos na singer sa Southwark Crown Court ng kung saan pinayagan siya ni Judge Tony Baumgartner na maghain ng piyansa.

Aabot sa $5.4 milyon ang halaga ng piyansa nito at bukod pa dito ay pinasurrender pa ang kaniyang pasaporte.

Dahil ito ay matutuloy na ang gagawing “Breezy Bowl XX” tour nito sa the Netherlands sa darating ng Hunyo 8.

Magugunitang noong nakaraang linggo ng maaresto si Brown habang nasa isang hotel sa Mancheste, northern England na siyang unang pagkakataon na nakabalik sa Britanya matapos ang dalawang taon.